Blog Archives

Blogs

Masaya raw ang mag-internet buong araw. Namamangha nga ako sa pamangkin ko na halos di na natutulog at dun na inaabutan ng pamamaho sa harap ng computer. Di ba parang waste of time naman ang magbrowse nang magbrowse sa net lalo na kung wala ka naman hinahanap? Nakakapagod din yata magbasa ng kung anu-ano lalo na kung wala ka namang interest sa mga bagay na binabasa mo. Parang nagbabasa ka ng readings nung college na after 3 times mo na binasa e iniisip mo pa rin kung English ba o German (Deutsch) yung binasa mo. 

Until one time I got so bored in the office at di na rin ako maaliw ng pag-iisip nang kung anong gagawin ko pag nanalo ako sa lotto, naisipan kong magtingin-tingin ng blogs. Me mga iba kong binasa pero sobrang coño kaya di ako maka-relate. Until I came across this blog (http://thegreatmaldito.wordpress.com) at nun ko narealize na nagkalat pala ang mga buang na katulad ko sa net. Masaya nga pala. Kasi marami talagang KSP at mga tsismoso’t tsismosa sa mundong ito na mahilig mag-usisa sa buhay nang me buhay, tulad ko. 

Actually meron din akong blog sa friendster pero di ko naman siya dinevelop ever. Kasi dun nakabandera ang pangalan ko. Ayoko namang biglang maging concerned ang mga kakilala ko at isipin nila na kailangan ko ng immediate help — psychiatric help. Minsan talaga, me mga pinapangalagaan ka na estado sa buhay na hindi angkop sa pagluluka-lukahan mo sa mga nilalathala mo sa net.

Sometimes you need to be anonymous. Lalo na kung kabalbalan yung ginagawa mo. Sa totoo lang, masaya ring mabuhay sa isang virtual world na hindi kayo magkakakilala ng mga kausap mo. Parang escape from reality. Yung friendster kasi ikaw din un. Nakakasawa rin lalo na pag nalalaman mo na naungusan ka na ng milya-milya ng mga kasabayan mo dahil kung saan-saan na sila nakarating at kung sinu-sino na nakasalamuha nila mula sa mga larawan na inilalathala nila.

Pag gumawa ka nang sarili mong blog, ikaw ang bida — kesehodang kilala ka nila o hindi. At dahil talagang KSP at inggitera rin ako, eto sinubukan ko rin. At least dito malaya akong makapaghahayag. Lalo na nang mga karanasan at saloobin na hindi ko magawang maibahagi sa totoong buhay. O mga karanasan na pag binabalikan mo ay nagkakaroon ng ibang anggulo.  

Lyk nung ibinagsak ko ang comprehensive exam, nagkakaroon na rin ako nang iba’t ibang pananaw dito:

Anger: Mga hayup silang nagcheck ng paper ko. Susunugin ko ang department, mga tangena nila! Mga walang awa! Akala mo kung sino sila. Di rin naman sila magaling! Mga @#^&*(@#$@!!!

Denial: Haler ano ba naman kasi yun? Paano ko naman masasagutan nang maayos yung mga tanong e di ko naman napag-aralan ever. Obsolete na yung napag-aralan ko sa isang professor, yung isa naman walang katuturan. Yung teacher kong magaling magturo pinatalsik naman sa university. Sa lawak ba naman nung discipline, ineexpect ba nila ako na mag-aral ng panibago after five years?

Acceptance: Wala naman talaga akong time para magreview nang husto nun. Asa pa talaga akong makakapasa ako dun. Siguro di ko talaga deserve maconfer yung degree. Buti naman nalaman ko rin after five years huhuhu. 

Kabalbalan: Malas kasi ako sa Year of the Rat. Kumupas na rin kaya yung anting-anting ko sa mga exam-exam?

Kaya ayun, pag naiisip ko ngayon yung binagsak ko na kompre, naaliw na lang ako. Syet! At least nailabas ko na di ko brinodkas sa mga kilala ko na bumagsak ako. At least ngayon pag me nakita akong ibang tao na nakatitig sa kin, di ako maprapraning na baka alam nya na bumagsak ako. Di ba ang saya?