How do I describe myself? Simple woman with simple dreams and desires (pang-slumbook itoh!). Kelangan ba talaga to? Kung gusto ko makilala dito e di sana ipinublish ko na totoo kong pangalan. Di yata pwede baka malaman ng boss ko hehehe. Saka ng asawa ko. At iba pang ayoko sanang makabasa ng blog ko kasi baka me maisulat ako na inimical to them in the future.
So how do I describe myself now?
Sex? Babae. Although once akong nagduda about my gender way back elementary, ngayon sigurado na ako.
Age? Mejo malapit nang di makasali sa kalendaryo. At this point dapat paatras na ang bilang ng age kaya pati utak ko paatras na rin.
Civil Status? Sakal na. Sakal na sakal na.
With kids? Oo, marami. Me boy na, girl pa, at mukhang me gay and lesbo din.
Religion? Non-practicing Roman Catholic. Pero Katoliko pa rin ha, di pa naman ako naapektuhan sobra ng atheist environment sa pinanggalingan kong unibersidad.
Occupation? Nasabi ko na to sa una kong post.
Pic gusto nyo? Eto hehehe…
O? Interesado pa ba kayo?






