Daily Archives: February 13, 2011
Magpaka-Reyes
Nagtext si mader. Humagulhul daw si GMA. Sabi ko, “saan?” Sabi nya, “anong saan?” Duh. Ano ba? Di ko raw binasa nang buo yung text, sa baba daw kasi nung dinalaw ni GMA si Gen. Angie Reyes, me pinasa daw siyang note, sabi: “Ma’am, follow my example.” Kaya ayun, cry-cry ang lola mo. Haha. Funny.
Pero hindi nakakatawa. Hindi nakakatawa na may isang mama na nagpakamatay kasi di nya kinaya ang panglalait sa kanya ng kung sinu-sinong gunggong na naluklok lang sa pwesto akala mo na Diyos. Pero hindi ako fan ni Angie. Never was. Di rin ako protektor ng mga kurap sa sandatahang lalakas. Sabi ko nga nuong sumabog yun, “buti nga.” Pero nung narinig ko at napanuod ang circus sa senado, sabi ko, “that’s too much.”
No, no you do not have a reputation to protect! Duh! Sino meron? Ikaw na ginamit ang isang rebolusyon para maging sikat kahit hindi naman ikaw ang me utak nun? Eh di ba nakuha mo ang gusto mo? Binoto kang senador ng mga Pilipinong di nag-iisip. Di mo ba nakuha ang “coop” money na binigay sa inyo ng dating pangulo? Ano raw yun? Di ba tumaya ang mga taong nagoyo mo kasi kahit nga di maging successful ang coup buhay naman sila sa perang matatanggap nila? Pero nasaan na? Sinolo nyo raw ni gringgong?
Disgusting. Sa PMA ka ba galing? Bakit parang wala kang natutunan dun? Sa mababang paaralan na pinanggalingan ko tinuturuan din kami ng mabuting asal. Sabi dun, igalang ang matatanda. Pero ikaw ang dating officer mo, wala, pinagmukha mong…wala. Masaya ka na ba? Tapos sasabihin mo, hindi si Reyes? Duh.
Kaya nga tama ang dati kong paniniwala. Dapat tinatanggal na ang senado. Wala namang naipapasang batas kasi mahilig sa circus. In aid of legislation ba kamo? Legislation, my ass! Wala namang nagiging batas bunga ng panghihiya nyo sa mga tao na iniimbita nyo as “resource persons,” para bitayin pala. Me mga korte naman, di ba dapat iyon ang gumagawa ng paglilitis nang hindi nagiging trial by publicity ang mga investigations nyo?
Tuloy ano ang komposisyon ng senado ngayon? Magkapatid, mag-amo at higit sa lahat — mga artista! Sabi ko mag-aabroad ako pag nanalo pa si Lito Lapid. Sayang, wala pa akong perang pang-migrate.
At ang lalakas pang gumastos! Saan ka naman nakakita ng nakakulong pero top spender? Hijo, pera din ng bayan yan. Pera ko rin yan dahil walang awa akong kinakaltasan ng buwis para lang masuportahan ang kapritso mo.
Doon sa mga akala nila ay holier-than-thou sila, mabuti pa maluklok na sila sa dapat nilang kalagyan. Nagampanan na nila ang tungkulin nila. Sana wala nang iba pang mamamatay dahil sa kanila. Otherwise pwede rin namang magpaka-Reyes na sila, I’m sure maraming matutuwa.

