Daily Archives: May 28, 2010

Anonimity

I wanted to share my views in Facebook kaya lang kilala ka dun kaya ang hirap magsabi nang kung anu-ano. Paano ka naman makakapagreklamo dun e friend mo ang boss mo? Until maalala ko na meron nga pala akong ganito. Well, naalala ko naman talaga kasi inungkat ng asawa ko…ano raw yung blog ko dati? In other words, alam na nya na this exists so hindi na ko pwede magkwento dito nang tungkol sa kanya. Sayang hehehe.

Grabe halos dalawang taon ko rin ito hindi ginalaw. Nakalimutan ko na nga ang password ko e. At marami na ang nagbago mula noon. Nagsusulat lang naman ako dati kasi nababagot ako dahil wala akong magawa. Ngayon mukhang magsusulat uli ako dahil nababagot ako kahit marami akong ginagawa. At kailangang gawin. In other words, nabuburat na naman ako sa buhay ko ngayon. After two years of very fulfilling and rewarding experience, here I go again.

Ako ba? O cycle-cycle lang yan? Weather-weather lang? Bilog kasi ang mundo? Whatever.

Bakit kasi natalo sa eleksyon yung amo ko na napakabait? Na nag-alaga sa akin sa loob ng dalawang taon. Sana okay ako ngayon at hindi naiwan/maiiwan sa impyernong opisina na to. Ano ba yun? Yosi lang ang pahinga. Napapadami tuloy ako ng yosi eh. Mamya nyan magkakasakit na rin ako. Ni hindi ka na makauwi nang maaga na gising pa yung anak mo. Lagi na lang yung aso ang nakasilip sa bintana pagdating mo. Oo nga pala, me aso kami na pomeranian na me lahing shih tzu — cute sana kung di lang sobrang harot.

Ang masama, sa lahat ng sakripisyo mo at pagsisikap mo, wala ka pa ring ginawang tama! Feeling ko replay ito ng dati kong trabaho. Nung wala din ako halos tulog at wala ding kain, puro sermon lang. Pero in fairness, pumayat ako nun ha. Hmmm this is something to look forward to.

Some good things never last. Pag nasa taas ka, marami kang kaibigan. Ambabait nila lahat sa yo. Pero pag wala na, tapos na. Nyenyenyenye sori ka na lang. Belat!

Hindi ka naman masyadong makapaghinga ng sama ng loob kasi wala namang iba na para magtiyagang makinig sa yo. Ang hirap kasing ikaw lang mag-isa ang nag-uusap. Kasi alam mo na yung isasagot mo sa tanong mo. Dahil alam mo na yung itatanong mo. Kaya lang minsan di pa rin kayo nagkakaintidihan ng sarili mo.  Nabubuang na yata ako. I wanna unwind. I wanna go out. I wanna see a movie. I wanna see my friends. But hello! Paano naman kung lagi kang nasa opisina! Gusto ko sanang mag-leave, with pay, mga 3 years lang. Pwede kaya yun?

Ang hirap pa hindi ka na ordinaryo na staff. Semi-boss ka na. And I mean boss ka sana pero di ka talaga boss tanga! Asa ka pa! Yung ikaw ang taga-tanggap ng sisi sa staff at ikaw din ang taga-tanggap ng gripes ng staff sa boss. Ok lang nga sana. Ok lang sana kung mababait sila at sumusunod. Di bale na mabagal. Di bale na medyo tatanga-tanga. Basta sana hindi naman feeling magaling! Sana walang maangas!  Walang pakshit! Tapos pag mali sa akin din ang balik. Grrrr! Worse kung ang boss sobrang bilib sa feeling magaling, maangas, pakshit. Dahil bago ka lang sa unit, ikaw ang makikisama. Paano kung sinasabotahe ka? Pakikisama my ass!

Magmula ngayon di na ako magiging mabait. Kakain na ako mag-isa. Di na ko ngingiti. Di na ko makikipagkwentuhan. Magmememo ako sa lahat ng papalpak. Maninigaw na ako! Manglilisik ang mata! Magsasalita ng lahat nang masasakit na bagay! Maghahagis ng lamesa, silya, computer!

Shit, hindi ko kaya. Di nga ako makaimik eh. Kaya nga dito lang ako nagbubuhos ng sama ng loob. Chicken kasi ako. Chicken! Chicken! Bokbokbokbok!

Bakit ba kasi ako nandito? What is my purpose in life? Bakit naman kasi kung kelan apat na ang anak ko at wala na ang edad ko sa walong buwan ng taon, ngayon ko pa naisipang tanungin ang sarili ko? Akala ko kasi okay na.

Hayzzz buti na lang anonymous ako. Ang hirap kasing gumalaw. I want to get my old life back. But if I do, I will not earn enough. Sana pwedeng mag-rewind at balikan lahat mula nang huli akong nag-post dito. Baka sana hindi naging ganito kasama lahat. Biro mo si Bong Revilla ang #1 Senator! Ang sama talaga.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.