Posted by: procopia marie | July 14, 2008

Manang

Pakilala ko sa inyo si Manang Ellen. Since wala na akong masyadong magawa sa kanya, ikwento ko na lang siya dito. Kinuha ko siya para manilbihan sa amin last month kasi nireto sya ng biyenan ko. Pag ayaw ko raw sa kanya, sabihin ko lang at kukunin nya. Kelangan ko kasi sana ng mag-aalaga ng baby ko. Sabi ko ang gusto kong kunin ay yung matanda na kasi lahat halos nang nakukuha ko ay mga bata pa at puro sakit sa ulo. Pero hindi naman sana 65 years old.

Anyway, kinuha ko rin sya. Kaya lang di nya magets ang setup na ako ang nagpapasweldo pero ang nag-uutos ay ang mommy ko dahil nagtratrabaho naman ako. In fact, ma’am pa ang tawag nya sa ‘kin. Ayoko sana dahil ako ay hamak na utusan lang din sa opisina. Kaya lang always proper si Manang, so insisting sya na tawagin ako as such. Pero okay na rin. For a change ako naman ang tawagin na ma’am.

Okay na sana sya. Ang problema ko lang talaga sa kanya ay ANG LAKAS NYANG KUMAIN. Nagtataka ako kung san nya dinadala ang kinakain niya. Kumakain siya before breakfast, breakfast, after breakfast, before lunch, lunch, after lunch, before dinner, dinner, after dinner. Para akong hihimitayin sa bawat pagkuha nya ng pinggan at pagbuhos ng kanin at ulam sa pinggan. Para siyang me alagang sawa sa tiyan.

Nung nakita ko na nagkakaasaran na sila ni Mommy, hinayaan ko na lang. Pag sinabi ni mommy na takpan ang mga kaldero at baka madilaan ng pusa ang ulam, sasagot pa sya na, Para didilaan lang naman. Hanggang isang gabi ay kinulekta na nya ang kalahating buwang sweldo nya at aalis daw siya. Napagod daw kasi siya (malamang kakapasa ng utos dun sa isang kasama) at magpapahinga.

Pero alam ko na nagkapikunan na sila ni Mommy nung isang gabi na inutusan sya na asikasuhin kami dahil kakain na kami. Galit na galit nyang sinugod si Mommy at sinabing, Sa dati kong amo di ako nagbabantay habang kumakain. Utos ka nang utos hindi mo ba alam nanunuod ako nyan! Sabay turo sa TV kung saan Dyesebel ang palabas.

So nagsaya kami nung umalis sya. Sa wakas ay mababudget ko na uli ang pagkain at di na ma-hihighblood si Mader dear.

Pero short-lived ang happiness namin, Kuya Cesar. After a week (by the time naubos na nya siguro yung sweldo nya) nagpunta sya sa byenan ko. Eto namang bruha kong byenan, nalaman lang na makulit si Manang ay tinanggihan na. Pinasabi ko rin na me nakuha na kaming kapalit, kahit wala, para di na bumalik sa amin. Ayos na sana nang one day ay nakita namin siya sa subdivision na nagtatanong sa bawat bahay kung nangangailangan ng kasama. Haler, sino pang tatanggap sa kanya sa edad nya?! Nakakahiya dahil iniwan pa nya yung gamit nya sa tindahan na katabi namin.

Bilang isang mabuting Kristiyano, kinupkop ko sya uli pero sinabihan ko na pansamantala lang sya sa bahay habang di pa sya nakakahanap trabaho. Sabi ni Mommy dadalhin na lang namin siya sa Home for the Aged. Ang tanong nya, Me sweldo ba ko dun? Kinukuha raw sya nung ospital na malapit sa amin at pinapabalik siya after a week. Totoo naman yun, Kuya Cesar. Nagpaalam uli siya after a week at namasukan sa ospital, bilang nurse (kaya wag kayo magpapagamot sa ospital na yun).

So nagsaya uli kami sa bahay with matching balloons and confetti pa nung umalis sya. Hanggang…

Sabado noon, rest day ko. Naglalaro ang mga anak ko ng sakal-sakalan at suntuk-suntukan sa garahe nang me pumaradang traysikel. Sinipat ko sa ilalim ng gate ang mga bumabang paa. Nang inilapag sa lupa yung bag na kilalang-kilala ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sino pa nga ba ang nagbabalik? Pero natouch ako nang magtakbuhan papunta ke Manang ang mga anak ko at nag-uunahan pa sa paghalik sa huklu matanda.

Naawa naman ako sa kanya nang kinwento nya na di niya kaya ang trabaho sa ospital dahil panik-panaog daw sya hanggang 4th floor. Ang pinagtataka ko lang ay hanggang 2nd floor lang yung ospital na yun. Di kaya may dalawang floors (basement) pa sa ilalim yun na di namin nalalaman? Ang dami raw kasing pasyente — mga 500 (eto kaduda-duda na talaga). Pero sinakyan ko na lang ang trip nya. Mas malupit yung sinabi nya na nililigawan raw sya ng duktor. Sabi ko na lang, Manang, sigurado ka bang buhay pa ang mga nakikita mo dun?

Pero sa tingin ko kaya siya talaga umalis ay dahil di sya makapanuod ng Dyesebel dun.

Sa madali’t sabi she’s back and she’s here to stay. Aaaarghhhh!!! Si Mommy man ay naaawa sa kanya; pero kahapon ay me ginawa na naman siya. Nung me naningil ke Mommy ng kontribusyon nya para sa Patay o sa Mesang Bilog*, ang pagkakarelay ni Manang ay: Me babae dito, patay daw ang pinsan mong buo. At ano pa, nag-shoot na naman ang BP ni Mader dahil siyempre praning na rin sa mga patay-patay dahil matanda na rin sya.

At ang good news pa ay balik na naman siya sa pagkain na parang wala ng bukas. Tinanong pa ko bakit konti raw ako kumain. Sabi ko na lang nag-rereduce ako. Hayzz Kuya Cesar, ano bang gagawin ko?

*Samahan sa lugar namin kung saan nagcocontribute ang mga members kada me mamamatay sa samahan. Ang di ko lang alam kung gaano talaga kalaki ang samahan na ito kasi kahit naniningil araw-araw para sa sampung patay ay wala naman akong nakikitang pinaglalamayan.


Responses

  1. haha,, i thought at first na its a family problem, dhl lng pla sa dyesebel,, hehe,, bida ka tlga marian,,


Leave a response

Your response:

Categories