Posted by: procopia marie | July 4, 2008

Pangarap

July na. Wala pa akong napopost dito. Napansin yata ng mga bossings ko na wala akong ginagawa kaya inutus-utusan ako for the past few days. Wala din naman ako maisip i-post dito kasi preoccupied din ako sa mga personal issues ko. Until eto na naman, struggling na naman akong libangin ang sarili ko. E di naman pwede sa office yung isang alam kong paglilibang hehehe (paglalaro ng PSP, bastos!) so blogging na lang uli.

As I was observing fashion statements of people riding the MRT kanina, naisip ko tuloy yung mga inaambisyon ko na sana hitsura ko. Siempre marami din akong ibang ambisyon kaya lang yung iba mababaw lang talaga. But if I were to list them, e di siempre gusto ko mag-umpisa sa grandest. Yung bang mga pangarap mo na di mo alam kung pangarap na lang talaga kasi kahit anong gawin mo, unless tumama ka sa lotto (which is impossible dahil di naman ako palagi tumataya), e di mo talaga maaabot kasi kulang ka sa resources. Here are some of them:

Firstly, mamasyal sa Disneyland (Hongkong lang, di na nga US e) – Siguro dala ito ng pagiging mommy ko. Kasi leche naman yang mga palabas sa TV na feature nang feature nyan e, naglalaway tuloy mga anak ko. Lalo na yung isang anak ko na sa hindi malamang dahilan ay patay na patay kay mickey mouse. Araw-araw na lang sa awa ng Diyos ay may bagong pinapabili sa akin na mickey mouse (na di ko naman siyempre binibili) from mickey mouse na car, mickey mouse na train, mickey mouse na pencil case at kanina naman mickey mouse na transformer (meron daw nun, di ko lang alam kung sa anong nilalang sya ngtratransform). Pag kaya nagpunta kami dun kasama ang apat kong anak, asawa ko, nanay ko at isang yaya, kasya kaya ang sampung libo? Di pa ko tapos…dollars. Asa pa ko.

Secondly, magpatayo ng sariling bahay – Simple lang naman ang gusto ko e. Dalawang palapag, sampung kuwarto at me swimming pool sa gilid. At me jacuzzi sa CR. Para naman walang kapamilya ko na magsasabi na wala syang privacy. Pero kung walang-wala pwede na rin yung two rooms lang. Sa garahe na lang matutulog yung yaya.

Meron din naman akong mga pangarap na kung kaya lang ng powers ko ay maaari ko naman makamit. Gaya ng makatakbo ng mabilis at malaya…suot ang stiletto shoes. Actually, eto lang talaga ang point ko. Gusto ko magsuot ng stilleto shoes. Nung isang araw sinubukan ko – lakad lang ha hindi takbo – pero parang di na ko makauwi sa sakit ng paa ko. Inabot pa ng tatlong oras ang pag-uwi ko kasi ambagal ko maglakad dahil madali ako matapilok (ouch!). Ok lang sana kung sa office ako matapilok, e kung sa gilid ng edsa at maside-sweep ako ng bus (ouch ouch!)? Bakit kasi totomboy-tomboy pa ko dati? Mag-aasawa din pala ako nang maaga. Dapat sana naglandi na ako nang mas maaga. E di sana marunong ako magsuot ng stiletto shoes.

Meron din naman akong pangarap na kung makapal talaga mukha ko pwede ko rin naman maabot. Gaya ng magsuot ng two-piece bikini. Ngayon pang andami kong unwanted fats at skin pigmentation (maiitim na nakatagong parte ng katawan) gawa ng pagbubuntis ko (echus). Assssa pa talaga! Yung taba nga lang problema ko, di ko talaga magawang mag-two-piece bikini e. Kungsabagay, matagal din naman kami huling nag-swimming, bakit naman ako magsusuot ng two-piece bikini? Alangan naman nakabikini pa ko para bumili ng suka sa tindahan? O kaya pumasok sa office nang nakabikini e bawal nga ang sleeveless sa office namin. Pero di ba, why not? Lagyan ko na lang ng blazer para di sleeveless.

Pero di nga, subukan ko kayang magsuot ng stiletto shoes at two-piece bikini mamaya sa bahay? Matutuwa kaya yung asawa ko o maaalarma sya na baka nga nasumpit na ako ng hangin*? Puro kabalbalan na naman pumapasok sa utak ko. Kaya tama yung kasabihan na “an idle mind is an unnecessary evil” (or something like that). Pero di ba, walang basagan ng trip.  

 

*Paniniwala ng mga matatanda na pag bagong panganak ka dapat magsuot ka ng tatlong patong na pasador, tatlong patong na panty, tatlong patong na panjama, tatlong patong na pantaas (t-shirt, sweatshirt at jacket) plus tatlong patong na medyas at bonet sa ulo para di mahanginan ang keps dahil baka hanginin ang ulo (gets? pero totoo ito, sa mga probinsya pinapractice ito). Bawal din mag-electric fan, magbukas ng bintana at lumabas ng bahay for one month.


Responses

  1. ahahhaa…ang kulet naman..tarnsformer na mickey mouse?syetness…ahahahhaha…bagong memybro ng transformer?ahahhaa…..may anak ka na pala..so mami na kita..ahaha

    kaya mong maabot yan…magsuoot ka ng bikini at stiletto kahit na nasa office ka lang..lols..

    hay….sana nga manao tayu ng milyones…keilan pa?asa pa.

  2. ok anak. basta pangalawang anak kita kasi panganay ko yung asawa ko — pinapadede ko pa kasi yun eh hehehe…

    pero kidding aside, it’s an honor seeing you on my page. you don’t know what it means to me. ako din actually di ko rin alam. basta masaya ako kasi idol kita dito. dito lang ha.

  3. wag namang ganyan..tao din ako. isang dukhang blogger na makikita mo sa araw araw na pamumuhay at pananatili mo dito sa mundong ibabaw..

    tatke..ang lalim naman ng sinabi ko.

    What i mean is….salamat.ahahaha….

    idol na din kita. May talent ka sa pagpapatawa.

    Buti kapa may PSP na..


Leave a response

Your response:

Categories