Posted by: procopia marie | December 9, 2008

Career

Well, it’s been a while since I last posted on this site. Natutuwa naman ako at kahit papaano ay mayron din palang mga nagkakamali na mag-HIT ng blog ko. Sa mga nagcocomments, maraming salamat. Ang ibig sabihin lang nun di nasayang ang effort ko na itayo ito. At ang mga pinapatay kong oras nun na hindi ko malaman kung pano patayin.

A lot has changed since then. Kung dati sobra-sobra ang oras ko para sa mga extra-curricular activities, ngayon naman kahit pagsuklay lang ng buhok wala na akong time. Kaya nga nagpakalbo na lang ako:

bald1

Syet ang ganda ko!

Sa tagal ko nang gusto mag-post uli dito, hindi ko magawa. Actually, sana matapos ko ito at di masama sa mga “drafts” ko. Kasi naman ngayon lang ako nalibre. Pero di ko na sasabihin kung ano trabaho ko now kasi nakakahiya naman na malaman ng boss ko na habang nasa Cabinet Meeting siya ay nagbloblog ako — ooopppss!

In other words, busy at masaya ako ngayon. Mahirap ang trabaho pero masaya. At least hindi ako wallpaper ngayon. Kulangot sa pader. O sa ilalim ng mesa. Na walang pumapansin. Walang nakakakita. Syet naiiyak ako.

Sa totoo lang, naisip ko lang magblog ngayon kasi nabwisit ako sa friendster. Di ko kasi mapost ang mga pics nang mga kids ko dun na galing sa camera phone ko (nice!). Nakakatuwa lang kasi e, sayang naman kong hindi makita ng mga buong wide web.

Anyway, hindi rin pala sya pwede dito. So ayun, bwisit. Anyway, i-post ko na to sayang naman. Baboosh! Shucks, walang kwenta.

Posted by: procopia marie | July 23, 2008

Negosyo Mo, Name Ko

Top 60 Makukulit na Pinoy Business Names
Ipinasa ni Sir Roli

1. Parlor in San Juan is named “Cut & Face”.
2. Wholesaler of balut in Sto.Tomas, Batangas: “Starducks”.
3. Fast food eatery in Nueva Ecija: “Violybee”
4. Internet cafe opened among squatters named “Cafe Pindot”.
5. In Manila , there’s a laundry named, “Summa Cum Laundry”.
6. Petshop in Ortigas: “Pussies and Bitches”.
7. A pet shop in Kamuning: “Pakita Mo Pet Mo”.
8. Bakery: “Bread Pit”.
9. Bank in Alabang: “Alabank”.
10. Restaurant in Pampanga named, “Mekeni Rogers”.
11. Restaurant in Pasig : “Johnny’s Fried Chicken: The ‘Fried’ of Marikina”.
12. A boxing gym: “Blow Jab”.
13. A tombstone maker in Antipolo: “Lito Lapida”.
14. A copy center in Sikatuna Village called “Pakopya ni Edgar”.
15. A beerhouse in Cavite called, “Chickpoint” .
16. Laundromat in Sikatuna: ” Star Wash : Attack of the Clothes”.
17. Internet cafe in Taguig named, “n@kopi@”.
18. Name of a kambingan, “Sa Goat Kita”.
19. A salon somewhere, “Curl Up And Dye”.
20. A lugawan in Sta. Maria, Bulacan: “Gee Congee”.
21. A water refilling station in Dapitan named “Wa-Thirst”.
22. A store selling feeds for chickens: “Robocock”.
23. Shoe repair in Marikina : “Dr. Shoe-Bago”.
24. Shoe repair store along Commonwealth, “SHOEPERMAN: we will HEEL you,
save your SOLE, and even DYE for you”.
25. Petshop: “Petness First”
26. Flower shop: “Susan’s Roses”.
27. Taxicab: “Income Taxi”.
28. A 2nd hand watch store: “2nd Time Around”.
29. A squid stall in a wet market: “Pusit to the Limit”.
30. A shrimp store: “Hipon Coming Back”.
31. A gay lawyer’s extension office: ” Nota Republic “.
32. A ceiling installer: ” Kisame Street “.
33. A car repair shop: “Bangga ka ‘day?”
34. An aquatic pet store in Malolos: “Fish Be With You”.
35. A fishball cart named, “Poke Poke”.
36. A beauty salon: “Saudia Hairlines”.
37. A bakery: “Anak Ng Tinapay”.
38. A resto along Mayon road in Manila : “May Lisa Eatery”.
39. Laundry shop: “Wash Your Problem”.
40. This mobile massage business name isn’t funny, but
their slogan is: “Asian Mobile Massage Service: Massage only, God is
watching”.
41. Ice cream parlor: “Dila Lang Ang Katapat”.
42. Chicharon store: “Chicha Hut”.
43. Neighborhood pizza store: “Pizza Hot”.
44. A fishball cart near UST: “Eat My Balls”.
45. A barbershop in Cagayan de Oro: “Pinoy Big Barber”.
46. A Resto: “The Last Supper”.
47. A goto resto: “Goto Ko Pa!”
48. A peanut vendor’s cart with a funny name: “Mani ni Papa”.
49. A gym in Malolos: ” Gaymann Fitness Center “.
50. My brother’s party needs business: “Balloon-Balloonan” .
51. A Chinese restaurant in Pasig : “Lah-Fang”.
52. A store selling fresh chicken, owned by woman named Dina: “Dina Fresh
Chicken”.
53. An actual bait and tackle shop in U.S. : “The Master Baiter”.
54. Panaderia: “Trimonay Bakeshop”.
55. Salon: “Hair Dot Comb”.
56. Signage on a restaurant: “We are open 25 hrs. a day – no lunch/dinner breaks!”
57. A flower shop near UPVillage (sarado na) – “Petal Attraction”
58. Bake shop on Dutch-German border – “Bread Pit”
59. Where you go finally – “Funeraria Mabuhay”
60. Makati tricycle driver eat-and-go- “Pakaplog” (short for pandesal, kape, itlog)

Ang creative talaga ng mga Pinoy! Kayo, me iba pa ba kayong alam?

Posted by: procopia marie | July 23, 2008

Makukulit na Pictures from China

Pansamantalang wala pa akong maisulat dito, ipapamahagi ko muna etong mga nakakawindang na mga larawan na ito na pinadala sa akin ni dayen buwang:

O ayan ingat daw sa mga tao. Tama nga naman, sa panahon ngayon dapat mag-ingat tayo sa mga nakakasalamuha natin.

Kung gusto mong masaktan, i-press mo.

Nyahaha!! Paano pag puso ko lang ninakaw?

O pag madudulas kailangan yung maingat ha!

Magmadali! Ilagay sa kapahamakan ang sarili para makatawag sa 110! Please!!!

Gets mo???!!! Gets mo???!!! Ako hinde!!!

Posted by: procopia marie | July 15, 2008

Project Lafftrip Laffapalooza

Since I came back to our office — which is now under new management and now resembles a Twilight Zone — it has become part of my normal routine to check my favorite blog the moment I get in. As I was staring at this blog, I was astonished to figure out this thingy on the sidebar about something I promised this blogger to do.

Putah ang hirap magpanggap.

Sabi ko nga ilang linggo nang nakaraan, iboboto ko dapat si Maldito sa paligsahan na ito ng http://kwentongbarbero.com. Ngayon ko lang naalala. Bilang pagtupad sa pinangako ko, ngayon ay maghahalal ako ng tatlong blogs (anong Tagalog nito?) na sa aking pananaw ay dapat manalo sa paligsahan na iyan.

1. Maldito – Nagmulat sa akin na maari palang maging libangan ang pagsasaliksik sa internet (syet di ko alam ang Tagalog nito) lalo na kung wala ka namang ginagawa buong araw.

2. Chiksilog – Dahil ayaw ni Maldito manalo si Inday, tulungan na kita, kaibigan. Ihahalal ko si — Ziena Xena Xienna XG na nga lang. Subalit kung susuriin, lubha rin namang nakakatawa ang mga nilathala ng dilag na ito.

3. Jessica Zafra – Sapagkat magmula noong nasa unibersidad palang ako ay tagahanga na ako nito. At dahil hindi naman ito banta kay Maldito kasi hindi naman ito kasama sa nakakaunang sampu (Top Ten?) sa listahan.

Sana ay nakatupad na ako sa pinangako ko. Nawa’y manalo ka dito, kaibigan, nang makabili ka ng maraming kahoy para sa bahay mo sa Iloilo.

Gud laaakkk!!!

Posted by: procopia marie | July 14, 2008

Manang

Pakilala ko sa inyo si Manang Ellen. Since wala na akong masyadong magawa sa kanya, ikwento ko na lang siya dito. Kinuha ko siya para manilbihan sa amin last month kasi nireto sya ng biyenan ko. Pag ayaw ko raw sa kanya, sabihin ko lang at kukunin nya. Kelangan ko kasi sana ng mag-aalaga ng baby ko. Sabi ko ang gusto kong kunin ay yung matanda na kasi lahat halos nang nakukuha ko ay mga bata pa at puro sakit sa ulo. Pero hindi naman sana 65 years old.

Anyway, kinuha ko rin sya. Kaya lang di nya magets ang setup na ako ang nagpapasweldo pero ang nag-uutos ay ang mommy ko dahil nagtratrabaho naman ako. In fact, ma’am pa ang tawag nya sa ‘kin. Ayoko sana dahil ako ay hamak na utusan lang din sa opisina. Kaya lang always proper si Manang, so insisting sya na tawagin ako as such. Pero okay na rin. For a change ako naman ang tawagin na ma’am.

Okay na sana sya. Ang problema ko lang talaga sa kanya ay ANG LAKAS NYANG KUMAIN. Nagtataka ako kung san nya dinadala ang kinakain niya. Kumakain siya before breakfast, breakfast, after breakfast, before lunch, lunch, after lunch, before dinner, dinner, after dinner. Para akong hihimitayin sa bawat pagkuha nya ng pinggan at pagbuhos ng kanin at ulam sa pinggan. Para siyang me alagang sawa sa tiyan.

Nung nakita ko na nagkakaasaran na sila ni Mommy, hinayaan ko na lang. Pag sinabi ni mommy na takpan ang mga kaldero at baka madilaan ng pusa ang ulam, sasagot pa sya na, Para didilaan lang naman. Hanggang isang gabi ay kinulekta na nya ang kalahating buwang sweldo nya at aalis daw siya. Napagod daw kasi siya (malamang kakapasa ng utos dun sa isang kasama) at magpapahinga.

Pero alam ko na nagkapikunan na sila ni Mommy nung isang gabi na inutusan sya na asikasuhin kami dahil kakain na kami. Galit na galit nyang sinugod si Mommy at sinabing, Sa dati kong amo di ako nagbabantay habang kumakain. Utos ka nang utos hindi mo ba alam nanunuod ako nyan! Sabay turo sa TV kung saan Dyesebel ang palabas.

So nagsaya kami nung umalis sya. Sa wakas ay mababudget ko na uli ang pagkain at di na ma-hihighblood si Mader dear.

Pero short-lived ang happiness namin, Kuya Cesar. After a week (by the time naubos na nya siguro yung sweldo nya) nagpunta sya sa byenan ko. Eto namang bruha kong byenan, nalaman lang na makulit si Manang ay tinanggihan na. Pinasabi ko rin na me nakuha na kaming kapalit, kahit wala, para di na bumalik sa amin. Ayos na sana nang one day ay nakita namin siya sa subdivision na nagtatanong sa bawat bahay kung nangangailangan ng kasama. Haler, sino pang tatanggap sa kanya sa edad nya?! Nakakahiya dahil iniwan pa nya yung gamit nya sa tindahan na katabi namin.

Bilang isang mabuting Kristiyano, kinupkop ko sya uli pero sinabihan ko na pansamantala lang sya sa bahay habang di pa sya nakakahanap trabaho. Sabi ni Mommy dadalhin na lang namin siya sa Home for the Aged. Ang tanong nya, Me sweldo ba ko dun? Kinukuha raw sya nung ospital na malapit sa amin at pinapabalik siya after a week. Totoo naman yun, Kuya Cesar. Nagpaalam uli siya after a week at namasukan sa ospital, bilang nurse (kaya wag kayo magpapagamot sa ospital na yun).

So nagsaya uli kami sa bahay with matching balloons and confetti pa nung umalis sya. Hanggang…

Sabado noon, rest day ko. Naglalaro ang mga anak ko ng sakal-sakalan at suntuk-suntukan sa garahe nang me pumaradang traysikel. Sinipat ko sa ilalim ng gate ang mga bumabang paa. Nang inilapag sa lupa yung bag na kilalang-kilala ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sino pa nga ba ang nagbabalik? Pero natouch ako nang magtakbuhan papunta ke Manang ang mga anak ko at nag-uunahan pa sa paghalik sa huklu matanda.

Naawa naman ako sa kanya nang kinwento nya na di niya kaya ang trabaho sa ospital dahil panik-panaog daw sya hanggang 4th floor. Ang pinagtataka ko lang ay hanggang 2nd floor lang yung ospital na yun. Di kaya may dalawang floors (basement) pa sa ilalim yun na di namin nalalaman? Ang dami raw kasing pasyente — mga 500 (eto kaduda-duda na talaga). Pero sinakyan ko na lang ang trip nya. Mas malupit yung sinabi nya na nililigawan raw sya ng duktor. Sabi ko na lang, Manang, sigurado ka bang buhay pa ang mga nakikita mo dun?

Pero sa tingin ko kaya siya talaga umalis ay dahil di sya makapanuod ng Dyesebel dun.

Sa madali’t sabi she’s back and she’s here to stay. Aaaarghhhh!!! Si Mommy man ay naaawa sa kanya; pero kahapon ay me ginawa na naman siya. Nung me naningil ke Mommy ng kontribusyon nya para sa Patay o sa Mesang Bilog*, ang pagkakarelay ni Manang ay: Me babae dito, patay daw ang pinsan mong buo. At ano pa, nag-shoot na naman ang BP ni Mader dahil siyempre praning na rin sa mga patay-patay dahil matanda na rin sya.

At ang good news pa ay balik na naman siya sa pagkain na parang wala ng bukas. Tinanong pa ko bakit konti raw ako kumain. Sabi ko na lang nag-rereduce ako. Hayzz Kuya Cesar, ano bang gagawin ko?

*Samahan sa lugar namin kung saan nagcocontribute ang mga members kada me mamamatay sa samahan. Ang di ko lang alam kung gaano talaga kalaki ang samahan na ito kasi kahit naniningil araw-araw para sa sampung patay ay wala naman akong nakikitang pinaglalamayan.

Posted by: procopia marie | July 10, 2008

PSP

Akala ko dati ang ibig sabihin nito ay Personal PlayStation. Sabi ako nang sabi ng Personal PlayStation bago ko narealize na PPS yun at di PSP. At least ngayon alam ko na na yun ay PlayStation Personal. Jowk. PlayStation Portable.

Bakit naman kasi yang mga hapon na yan mali ang pagpangalan diyan. Di ba dapat ang adjective ay nauuna sa minomodify nya? Parang beautiful lady – beautiful yung adjective tapos lady yung noun na minomodify. Paano nyan kung susundan mo ang logic ng hapon, e di magiging rady beautifur yan? So dapat talaga Portable PlayStation yan.

Kungsabagay pangit naman pakinggan yung PPS. Like pag sinabi mong: Oi palaro naman ng PP-S mo! Wala nga namang dating. Medyo bastos pa pakinggan (pipi-s — gets?). Sige na nga PSP na lang.

Anyway, kaya eto ang gusto kong pag-usapan now kasi nabanggit ng isa sa napakarami kong reactors (tatlo, kasama na ko dyan) sa blog ko na buti pa raw ako may PSP na. Actually, di akin yun. Sa anak ko yun. At sa totoo lang muntik na dumanak ang dugo bago ko mabili yun. Ayaw ko talaga kahit anong pagpapa-cute ng anak ko. Kahit sabi siya nang sabi ng: Mami me PSP na si ano. Or Mami ang sarap pala mag-PSP. Or Mami, marami na akong alam na games sa PSP.

Dahil sa totoo lang hindi naman siya necessity. Sa hirap ng buhay ngayon dapat natuturuan din ang mga bata tungkol sa halaga ng pera. Sanay naman sila sa turo ko na makakabili lang sila ng toys pag may maraming-maraming pera.

One time nga, while nasa supermarket kami, sumigaw yung isang anak ko ng: Mami pag nagkaron ka ng maraming-maraming pera bili mo ko nun! Paglingon ko ang tinuturo ay isang tsipanggang bolang plastic na maliit. Para akong nanigas sa hiya nun lalo na nang magtinginan ang mga salesladies na para akong kinukutya. Bumawi na lang ako, sabi ko: Siraulo ka talaga, mana ka sa daddy mo! Punumpuno na ng bola yung bahay natin bibili ka na naman. Saka kababae mong tao ball na naman! Pumili ka ng doll dyan, yun ibibili kita. (Echus lang yun of course, alam ko naman na ayaw nya nun)

Anyway, matagal namin pinagdedebatehan yung pagbili ng PSP na yun. Sabi ko lalabo lang ang mata ni Pay (short for Payatot, di nya totoong pangalan). Pero sino ba naman niloloko ko e, maghapon naman siyang nag-cocomputer pag wala siyang ginagawa. Ang nakakabahala pa, nagsawa na siguro siya sa paglalaro ng Generals kaya nahuli ko syang naglalaro ng internet game na pinag-mamatch-match yung damit, buhok, shoes, make-up at accessories ni Barbie.

Kinakabahan ako sa mga nadidiscover ko kay Pay, lalo na at nahihilig sya magpopose ng ganito:

Di naman sa homophobic ako. Kaya lang di ba di magandang future ang naghihintay sa kanya kung lalaki syang ganun knowing na puro lalake ang pinsan nya at puro lalake din ang mga kapatid ng daddy nya? So pumayag na ako. Basta sabi ko walang mga Barbie games sa PSP.

Pero masama pa rin ang loob ko. Kaya kahit pinagpyepyestahan na nila yung PSP, deadma pa rin ako. Ayokong hawakan ang bagay na nabili ng perang kalahating taon kong pinag-ipunan para sana sa pagpapaganda ko (sa pag-asang me magagawa pa ang modern technology sa kin).

Mga isang buwan din akong nanumbat at nagmukmok. Hanggang na-bribe ako ng asawa ko na unggoy talaga sa kautakan sa pamamagitan ng pag-install ng Final Fantasy VII sa PSP. Kasi alam nya na adik ako sa RPG or role-playing game — natapos ko na yung FFIX, Diablo at me mga characters ako sa RoseOnline (Cleric-male, level 120, name: Gahaman) at RANOnline (Shaman, level 101). So ayun, unti-unti ay nahulog na rin ang loob ko sa PSP.

Ngayon medyo adik na rin ako. Mainit ang ulo ko pag ayaw magpahiram ni Pay: Lagi ka naman naglalaro nyan e, si mami naman! Anyway, sira nga pala yung ininstall na FFVII kaya medyo nabitin ako dun. Pagkatapos ko pagpuyatan at isipin nang isipin papaano mapapalakas yung Firaga, Thundaraga, Blizzaga at kung anu-ano pang kagagahan. Ngayon Brave Story nilalaro ko. Wish ko lang di sya sira.

Posted by: procopia marie | July 4, 2008

Pangarap

July na. Wala pa akong napopost dito. Napansin yata ng mga bossings ko na wala akong ginagawa kaya inutus-utusan ako for the past few days. Wala din naman ako maisip i-post dito kasi preoccupied din ako sa mga personal issues ko. Until eto na naman, struggling na naman akong libangin ang sarili ko. E di naman pwede sa office yung isang alam kong paglilibang hehehe (paglalaro ng PSP, bastos!) so blogging na lang uli.

As I was observing fashion statements of people riding the MRT kanina, naisip ko tuloy yung mga inaambisyon ko na sana hitsura ko. Siempre marami din akong ibang ambisyon kaya lang yung iba mababaw lang talaga. But if I were to list them, e di siempre gusto ko mag-umpisa sa grandest. Yung bang mga pangarap mo na di mo alam kung pangarap na lang talaga kasi kahit anong gawin mo, unless tumama ka sa lotto (which is impossible dahil di naman ako palagi tumataya), e di mo talaga maaabot kasi kulang ka sa resources. Here are some of them:

Firstly, mamasyal sa Disneyland (Hongkong lang, di na nga US e) – Siguro dala ito ng pagiging mommy ko. Kasi leche naman yang mga palabas sa TV na feature nang feature nyan e, naglalaway tuloy mga anak ko. Lalo na yung isang anak ko na sa hindi malamang dahilan ay patay na patay kay mickey mouse. Araw-araw na lang sa awa ng Diyos ay may bagong pinapabili sa akin na mickey mouse (na di ko naman siyempre binibili) from mickey mouse na car, mickey mouse na train, mickey mouse na pencil case at kanina naman mickey mouse na transformer (meron daw nun, di ko lang alam kung sa anong nilalang sya ngtratransform). Pag kaya nagpunta kami dun kasama ang apat kong anak, asawa ko, nanay ko at isang yaya, kasya kaya ang sampung libo? Di pa ko tapos…dollars. Asa pa ko.

Secondly, magpatayo ng sariling bahay – Simple lang naman ang gusto ko e. Dalawang palapag, sampung kuwarto at me swimming pool sa gilid. At me jacuzzi sa CR. Para naman walang kapamilya ko na magsasabi na wala syang privacy. Pero kung walang-wala pwede na rin yung two rooms lang. Sa garahe na lang matutulog yung yaya.

Meron din naman akong mga pangarap na kung kaya lang ng powers ko ay maaari ko naman makamit. Gaya ng makatakbo ng mabilis at malaya…suot ang stiletto shoes. Actually, eto lang talaga ang point ko. Gusto ko magsuot ng stilleto shoes. Nung isang araw sinubukan ko – lakad lang ha hindi takbo – pero parang di na ko makauwi sa sakit ng paa ko. Inabot pa ng tatlong oras ang pag-uwi ko kasi ambagal ko maglakad dahil madali ako matapilok (ouch!). Ok lang sana kung sa office ako matapilok, e kung sa gilid ng edsa at maside-sweep ako ng bus (ouch ouch!)? Bakit kasi totomboy-tomboy pa ko dati? Mag-aasawa din pala ako nang maaga. Dapat sana naglandi na ako nang mas maaga. E di sana marunong ako magsuot ng stiletto shoes.

Meron din naman akong pangarap na kung makapal talaga mukha ko pwede ko rin naman maabot. Gaya ng magsuot ng two-piece bikini. Ngayon pang andami kong unwanted fats at skin pigmentation (maiitim na nakatagong parte ng katawan) gawa ng pagbubuntis ko (echus). Assssa pa talaga! Yung taba nga lang problema ko, di ko talaga magawang mag-two-piece bikini e. Kungsabagay, matagal din naman kami huling nag-swimming, bakit naman ako magsusuot ng two-piece bikini? Alangan naman nakabikini pa ko para bumili ng suka sa tindahan? O kaya pumasok sa office nang nakabikini e bawal nga ang sleeveless sa office namin. Pero di ba, why not? Lagyan ko na lang ng blazer para di sleeveless.

Pero di nga, subukan ko kayang magsuot ng stiletto shoes at two-piece bikini mamaya sa bahay? Matutuwa kaya yung asawa ko o maaalarma sya na baka nga nasumpit na ako ng hangin*? Puro kabalbalan na naman pumapasok sa utak ko. Kaya tama yung kasabihan na “an idle mind is an unnecessary evil” (or something like that). Pero di ba, walang basagan ng trip.  

 

*Paniniwala ng mga matatanda na pag bagong panganak ka dapat magsuot ka ng tatlong patong na pasador, tatlong patong na panty, tatlong patong na panjama, tatlong patong na pantaas (t-shirt, sweatshirt at jacket) plus tatlong patong na medyas at bonet sa ulo para di mahanginan ang keps dahil baka hanginin ang ulo (gets? pero totoo ito, sa mga probinsya pinapractice ito). Bawal din mag-electric fan, magbukas ng bintana at lumabas ng bahay for one month.

Posted by: procopia marie | June 26, 2008

Blogs

Masaya raw ang mag-internet buong araw. Namamangha nga ako sa pamangkin ko na halos di na natutulog at dun na inaabutan ng pamamaho sa harap ng computer. Di ba parang waste of time naman ang magbrowse nang magbrowse sa net lalo na kung wala ka naman hinahanap? Nakakapagod din yata magbasa ng kung anu-ano lalo na kung wala ka namang interest sa mga bagay na binabasa mo. Parang nagbabasa ka ng readings nung college na after 3 times mo na binasa e iniisip mo pa rin kung English ba o German (Deutsch) yung binasa mo. 

Until one time I got so bored in the office at di na rin ako maaliw ng pag-iisip nang kung anong gagawin ko pag nanalo ako sa lotto, naisipan kong magtingin-tingin ng blogs. Me mga iba kong binasa pero sobrang coño kaya di ako maka-relate. Until I came across this blog (http://thegreatmaldito.wordpress.com) at nun ko narealize na nagkalat pala ang mga buang na katulad ko sa net. Masaya nga pala. Kasi marami talagang KSP at mga tsismoso’t tsismosa sa mundong ito na mahilig mag-usisa sa buhay nang me buhay, tulad ko. 

Actually meron din akong blog sa friendster pero di ko naman siya dinevelop ever. Kasi dun nakabandera ang pangalan ko. Ayoko namang biglang maging concerned ang mga kakilala ko at isipin nila na kailangan ko ng immediate help – psychiatric help. Minsan talaga, me mga pinapangalagaan ka na estado sa buhay na hindi angkop sa pagluluka-lukahan mo sa mga nilalathala mo sa net.

Sometimes you need to be anonymous. Lalo na kung kabalbalan yung ginagawa mo. Sa totoo lang, masaya ring mabuhay sa isang virtual world na hindi kayo magkakakilala ng mga kausap mo. Parang escape from reality. Yung friendster kasi ikaw din un. Nakakasawa rin lalo na pag nalalaman mo na naungusan ka na ng milya-milya ng mga kasabayan mo dahil kung saan-saan na sila nakarating at kung sinu-sino na nakasalamuha nila mula sa mga larawan na inilalathala nila.

Pag gumawa ka nang sarili mong blog, ikaw ang bida – kesehodang kilala ka nila o hindi. At dahil talagang KSP at inggitera rin ako, eto sinubukan ko rin. At least dito malaya akong makapaghahayag. Lalo na nang mga karanasan at saloobin na hindi ko magawang maibahagi sa totoong buhay. O mga karanasan na pag binabalikan mo ay nagkakaroon ng ibang anggulo.  

Lyk nung ibinagsak ko ang comprehensive exam, nagkakaroon na rin ako nang iba’t ibang pananaw dito:

Anger: Mga hayup silang nagcheck ng paper ko. Susunugin ko ang department, mga tangena nila! Mga walang awa! Akala mo kung sino sila. Di rin naman sila magaling! Mga @#^&*(@#$@!!!

Denial: Haler ano ba naman kasi yun? Paano ko naman masasagutan nang maayos yung mga tanong e di ko naman napag-aralan ever. Obsolete na yung napag-aralan ko sa isang professor, yung isa naman walang katuturan. Yung teacher kong magaling magturo pinatalsik naman sa university. Sa lawak ba naman nung discipline, ineexpect ba nila ako na mag-aral ng panibago after five years?

Acceptance: Wala naman talaga akong time para magreview nang husto nun. Asa pa talaga akong makakapasa ako dun. Siguro di ko talaga deserve maconfer yung degree. Buti naman nalaman ko rin after five years huhuhu. 

Kabalbalan: Malas kasi ako sa Year of the Rat. Kumupas na rin kaya yung anting-anting ko sa mga exam-exam?

Kaya ayun, pag naiisip ko ngayon yung binagsak ko na kompre, naaliw na lang ako. Syet! At least nailabas ko na di ko brinodkas sa mga kilala ko na bumagsak ako. At least ngayon pag me nakita akong ibang tao na nakatitig sa kin, di ako maprapraning na baka alam nya na bumagsak ako. Di ba ang saya?

Posted by: procopia marie | June 24, 2008

Idiotsyncrasy

According to the American Heritage Dictionary, Idiosyncrasy (n) means “a structural or behavioral characteristic peculiar to an individual or group.” In other words, it is a summation of one’s personality. Ano’ng relevance nito sa blog ko? Wala lang. Gusto ko lang yung sound. Walang mangengelam. Blog ko to.

According to my own dictionary, Idiotsyncrasy means a set of characteristics that is peculiar to me. Maybe not too peculiar. Baka marami namang katulad ko na karapat-dapat din na matawag na idiot.

Ok lang. Di naman talaga ako magaling sa lahat ng bagay (sa konti lang hehehe). Saka marami naman kami. Nagkalat kami sa showbiz, sa government, lalo na sa Congress (House and Senate). Ok lang naman maging idiot, basta harmless. Masama yung nakakaapekto sa ibang tao, di ba? Like pag gumagawa ng batas or nag-uubos ng taxpayers’ money.

Di nga. When was the first time na naghinala ako na baka nga idiot nga ako? Siguro yung first time di ko na maalala. Pero yung experience ko with Prof. Mehtae nung college, vivid pa sa isipan ko. Hanggang ngayon pinagsisihan ko pa rin ang pagpapa-enlist (enroll) sa subject nya. Naalala ko pa nung nilait-lait ko pa yung roomeyt-frend ko nun…

Ako: U know wat roomeyt-frend para kang tanga sleeping outside the building just to enlist for that subject.
Roomeyt-frend:  Ok lang basta di ko makuha si Prof. Mehtae kasi balita ko nag-dadarts lang ng grade un.
Ako: Hay naker! Getching ko na un. Sa dami ba naman ng students, di naman siguro ako ganun kamalas para macinco, anoh?

Oh well…

Ang di ko inaakala na mangyayari sa akin ay nangyari din. Naobtain ko ang aking one and only, nagmumurang CINCO sa tanang buhay-student ko. Sabi pa ng orgy-mate ko letter C daw kasi yung apelyido ko so nagwawarm-up pa lang un magdarts kaya baka ni hindi pa tumatama sa dartboard.

Na-confirm ko naman na idiot nga ako nang after a sem ay nakausap ko ang aking ultra-mega-super-talino klasmeyt sa subject na un…

Ako: Oist ultra-mega-super-talino klasmeyt, ano nakuha mo na grade ke Prof. Mehtae? Ako kasi naka-cinco eh. (Proud pa!)
Alien klasmeyt: Hay naker ako rin noh! Di talaga ako pumayag. I made sugod to him and made complain talaga. Ayun pinalitan nya yung grade ko from cinco to uno.
Ako:Ha???????

Oh well…That changed my life forever. Kaya ngayon eto, I’m stuck where I am now. Nagtratrabaho na sana ako sa one of the biggest corporations in the country, gaya ni roomeyt-frend. Pero hindi. For the past 8 years isa pa rin akong hamak na researcher, writer, editor, drafter, summarizer, encoder, at kung anu-ano pang errr. Yun lang at least with my present job, afford ko maging blog-errr hehehe.

Categories